21

By

Fil-Jap judoka Takahashi delikadingding sa Asiad

Sharing is caring!

Namemeligrong mabawasan ng lakas, malamang medalya pa, ang delegasyon ng bansa para sa papasok na buwang 18th Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia at baka sa 3rd Summer Youth Olympic Games sa Oktubre sa Buenos Aires, Argentina.

Ito’y kundi mahihilot ng mga magulang, ni Philippine Judo Federation president David Carter, at coaches Kheiko Shimoda at Matsu Moto, ang eskwelahan sa Japan ni Fil-Japanese Mariya Takahashi, na namomroblema sa kanyang schedules.

Hindi na pinayagan ang reigning world No. 78 at 2017 Malaysia Southeast Asian Games women’s 70-kilogram gold medalist ng paaralan niyang sumabak sa Asian Cadet & Junior Cup noong Mayo sa Lebanon at sa nakalipas na linggo sa Macau dahil sa scheduling.

Kabilang ang tubong Kobe, Japan, Shukugawa Gakuin high school student at nag-iisang anak lang ng Davaoeña at Hapones, sa PHL contingent sa 2018 Asiad na papailanlang sa Agosto 18-Setyembre 2.

Makakasama niya sa Jakarta-Palembang meet sina International Judo Federation No. 20, 21-year-old, 5-foot-7 Cebu-born, at reigning three-time SEA Games champion Kiyomi Watanabe sa women’s division -63-kilogram, Malaysia SEAG bronze medalist kambal na magkapatid, 21-taong-gulang na mga Pinoy-Hapones ding sina world No. 157 Shugen Nakano sa men’s -66kg at world No. 146 Kaisei Nakano sa men’s –73kg, at si veteran internationalist, world No. 165 Megumi Kurayoshi, 25, sa women’s -57.

Inaasahan din ni Carter na magku-qualify si Takahashi sa Argentina SYOG dahil sa impresibong pinapakita sa World, Asian at iba pang international tournaments sa nakalipas na 2 taon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?