523

Oct 27, 2017 @ 10:01

Fil-German rising star sinandalan ng Pangasinan

CAOAYAN, Ilocos Sur – Pasiklab na tila import sa inararong 36 points si Fil-German Michael Mejia Swirtszinsky at kinumpleto ng Pangasinan ang basketball twin kill sa sixth at penultimate day kahapon ng 11th Batang Pinoy 2017 Luzon Games sa Caoayan Municipal Covered Court dito.

“DDH (dedication, discipline, hardwork) lang,” matipid na komento ni Jesus Bacani, ang boys team coach ng lalawigang kilalang Cycling Capital of the Philippines.

Tinapos ng Pangasinan ang nine-team tournament na may 6-1 win-loss record, huli ang103-85 demolisyon sa Olongapo sa gold medal match.

“Nagbunga po iyong paghihirap namin. Sobrang hirap po sa training. Masaya po at gagalingan pa po namin lalo sa National Finals,” wika ni Swirszinsky, 15, tubong Dagupan pero sa San Carlos na residente.

Grade 9 si Swirtszinsky sa St. Charles Academy at bunso sa dalawang supling ng isang German civil engineer at Filipina housewife.

 Una rito, isinara naman ng girls squad ng Pangasinan din ang three-team caging sa 5-0, kabilang ang 86-42 pagpulbos sa Tayabas sa likod ng 15 points ni Roselle Vinluan na ginawa lahat sa first half, at 14 ni Ayen Bautista, 10 sa fourth.

Hindi na nakasama sa awarding ceremony si Vinluan at tatlo pang teammates na mga sumakay agad ng bus pa-Mall of Asia para sa SBP 3-on-3 National Finals. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?