9,659

By

Fil-Canadian na naghamon sa tatay ng Ateneo bully, natagpuang patay?

Sharing is caring!

Nag-viral sa social media ang ulat na nakita umanong patay ang lalaki na naghamon ng suntukan sa tatay ng tinaguriang Ateneo bully.

May pamagat itong, “Isang bakasyunista naghamon sa ama ni _____ natagpuang patay”.

Isang French news agency umano ang nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang Canadian Armed Forces hinggil dito at lumabas na hindi umano totoo ang naturang balita.

Nauna rito, iba’t ibang social media platforms ang nagsabing natagpuang patay si Joseph Perez Otazu, ang Fil-Canadian na humamon sa ama ng Ateneo Junior High School bully matapos nitong mapanood ang viral video ng pambu-bully ng bata sa kapwa nito estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?