20

By

Fil-Am waging mayor sa New Jersey

Pinatalsik ng isang Filipino-American immigration lawyer ang kasalukuyang alkalde ng Bergenfield, New Jersey sa naganap na eleksyon noong Martes.

Si Arvin Amatorio, na mula sa Democrat, ang bago nang mayor ng Bergenfield, New Jersey.

Nakahakot ng 2,803 na boto si Amatorio kumpara sa 2,637 ni incumbent Republican Mayor Norman Schmelz.

Ikalawang Pinoy na ang tubong Baler, Quezon na si Amatorio na nanalong mayor sa Bergenfield.

Sinundan niya si Robert Rivas na nagsilbing Bergenfield mayor ng 2000-2002.

Isang councilman si Amatorio sa Bergenfield Borough at magsisimula ang panunungkulan niya sa Enero 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?