59

By

Fil-Am timbog sa child trafficking sa Batangas

Sharing is caring!

Nagwakas na ang kahalayan ng isang Filipino-American matapos itong madakma habang kasama ang dalawang menor de edad sa isang kuwarto sa motel sa Batangas kagabi.

Ayon sa report, ikinasa ang pag-aresto sa suspek, na isa umanong online child sex trafficking predator, matapos magsumbong sa pulisya ang magulang ng isa sa mga biktima na ni-rape umano ng suspek.

Modus umano ng suspek na yayaing makipagtalik ang mga biktima kapalit ng pera at gamit at nire-record sa video cam na siya nitong ibinibenta sa mga banyaga online.

Nasamsam sa suspek ang ilang gadget na ginagamit umano nito sa pagvi-video sa mga biktima.

Mahaharap sa kasong child trafficking ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?