15

Sep 14, 2021 @ 13:14
By

Fil-Am teacher sa New York instant rapper na rin

Isang Filipino-American teacher sa New York, USA ang gumagamit ng kakaibang teaching method para mapanatiling gising ang kanyang mge estudyante sa online classes.

Pagbabahagi niya sa 24 Oras, imbes na puro kuda lang ang gawin niya sa loob ng 40-50 minutes ay hinahaluan niya ito ng pagra-rap.

“I place myself [na] parang estudyante. ‘Pag nakaupo ka lang do’n, nakikinig sa teacher, nakaka-boring. Biro mo, 40-50 minutes nakikinig ka lang. Dapat ‘yung teacher, nakiki-compete,” wika ni Ramil Buenaventura sa isang panayam.

“Kung si teacher, dakdak lang nang dakdak, talagang sabi ko, kailangan makuha ko attention nila,” dagdag pa niya.

Dahil sa kanyang kakaibang pagtuturo, makailang ulit na umano siyang nabigyan ng parangal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?