36

Jun 19, 2020 @ 21:41

Fil-Am student na tumulong sa Isabela pinarangalan

Kinilala ang isang edad 17 na Filipino-American sa Amerika dahil sa pagtulong sa mga mag-aaral sa Isabela.

Ginawaran si Jeanelle Pua Mapili ng “2020 Youth Recognition Award” ng Rochester Area Youth Assistance (RAYA) board of directors.

Si Mapili ay mag-aaral ng Adams High School sa Michigan, US at nanguna sa Dora Backpack Drive na nagbibigay ng school supplies sa mga mag-aaral sa liblib na lugar sa nasabing probinsya.

Nanggaling ang mga school supplies mula sa mga kapwa mag-aaral at kakilala, bilang miyembro siya ng US National Honor Societ, natulungan na umano niya ang nasa higit 500 katao dahil sa proyekto.

Inalay ng Fil-Am ang kanyang natanggap sa kanyang mga magulang at sa kanyang Tita Shirley Mapili, na nag-alaga sa kanilang magkapatid sa Pilipinas ngunit yumao na sa Ontario, Canada noong Nobyembre 2019.

Pinaparangalan ng RAYA award ang mga kabataan na nagpapakita ng “perseverance beyond the ordinary”. (SDC)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?