52

Sep 13, 2021 @ 15:25
By

Fil-Am singer Olivia Rodrigo namakyaw ng parangal sa 2021 VMAs

Nasungkit ni Fil-Am singer Olivia Rodrigo ang tatlong major prize sa 2021 MTV Video Music Awards (VMAs).

Ayon sa ulat ng GMA News, kinilala ang 18 anyos bilang “Best New Artist” ng taon.

Naiuwi rin ng singer ang “Song of the Year” at “Push Performance of the Year” award para sa kanta niyang “Driver’s License.”

Nagpasalamat naman si Olivia sa kanyang mga tagasuporta.

“I just feel so grateful that I get to write music and make stuff that I love and call it my job,” sey niya sa kanyang speech.

“So thank you guys again for letting me do that,” dagdag pa niya.

Ginanap ang naturang awarding ceremony sa Brooklyn, New York sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?