58

Jul 16, 2021 @ 13:39

Fil-Am singer Olivia Rodrigo binisita si Biden

Kasama ang pop star na si Olivia Rodrigo sa kampanya ng Amerika para hikayatin ang kanilang mamamayan na magpabakuna.

Nitong Miyerkoles ay nagtungo si Rodrigo, na ang tatay ay isang Pinoy, para himukin ang kabataan na magpaturok ng bakuna.

Sa Instagram ng teen singer, katabi niya si US President Joe Biden para ipaalala kung gaano kahalaga ang bakuna kontra COVID-19.

“Even if you are young and not immunocompromised, getting your covid vaccination is the best thing you can do for your health and your loved ones’ health,” sey ni Rodrigo.

Nagpasalamat din si Biden sa pagsama ni Olivia sa kanilang adhikain para matalo ang new coronavirus.

“Thanks for stopping by, Olivia, and for using your voice to urge young people to get vaccinated. If we all do our part and get the COVID-19 vaccine, we can defeat this virus once and for all,” ayon sa Instagram post ng Pangulo ng Estados Unidos.

Ilan sa mga sumikat na kanta ni Olivia ay ang ‘Sour’, ‘Good 4 U’ at “Deja Vu’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?