98

Jan 22, 2019 @ 14:40
By

Fil-Am singer nagningning sa America’s Got Talent

Naging second place lang ang Filipino-American na si Angelica Hale nang una siyang sumabak sa “America’s Got Talent”, 10-anyos lang siya noon.

Pero sa kanyang pagbabalik, pinatunayan ni Hale na hindi siya basta sumusuko.

Sa recent season ng AGT, pumasok sa The Champions season.

Inawit ng 11-anyos na ngayong si Hale ang “Fight Song” ni Rachel Platten, sa spin-off series ng AGT.

Nakatanggap si Hale ng Golden Buzzer mula sa judge na si Howie Mandel.

Ibig sabihin nito ay awtomatiko nang pasok sa 10 contestants na maglalaban sa finals si Hale.

Gumawa ng kasaysayan ang Season 12 runner-up matapos makakuha ng Golden Buzzer ng dalawang beses.

Ikalawa nang bigyan siya ulit ni Mandel ng Golden Buzzer sa AGT: The Champions Lunes ng gabi.

Panoorin ang kanyang performance dito:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?