94

Aug 21, 2019 @ 16:16
By

Fil-Am sa Minnesota, kinasuhan sa nasunog na van

Humihingi ng tulong para sa kanyang defense ang pamilya ni Roberto Hipolito, 71-anyos na Pinoy na nahaharap sa kasong manslaughter sa Fridley, Minnesota.

Nitong buwan inaresto si Hipolito dahil sa aksidenteng pagkasunog ng isang van sa isang Walmart parking lot sa Fridley.

Pinaniniwalaang nagmula ang apoy sa isang portable hot stove na pinaglutuan niya.

Kumalat ang apoy sa katabi nitong van kung saan namatay ang 6-anyos na bata habang sugatan pa ang isang bata na may edad 9.

Nahaharap si Hipolito sa second-degree manslaughter charge at pair of negligent counts.

Ilang dekada na ang nakalipas mula nang mag-migrate sa America si Hipolito, na taga-Tondo.

Matapos matanggal bilang accountant, naging journeyman technician siya sa telecommunications companies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?