111
Fil-Am Rike tinanggal para sa banyaga
By ,

Fil-Am Rike tinanggal para sa banyaga

Hindi na kasama sa line-up ng Pasig ang 6-foot-9 at Filipino-American na si Troy Rike na sasabak sa 2019 FIBA World Tour Masters sa Doha, Qatar sa Abril 18-19.

Papalitan si Rike ng dating top-ranked French 3×3 cager na si Angelo Tsakaragis, na makakasama sina Joshua Munzon, Taylor Statham at Serbian import Nikola Pavlovic.

“I mean, I’m not going to lie. You always want to play as a basketball player but what I care about the most is I want the team to be successful,” wika ni Rike na naglaro sa Pasig sa nagdaang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 at Asia Pacific Super Quest.

“Angelo has the experience and knows a lot about the 3×3 game. He has been in the World Tour.”

Kasabay ng pagkakatanggal niya sa line-up, mas lalo pang umintig ang pagnanais ng tubong-California na si Rike na katawanin ang bansa sa iba pang mga torneo na sasabakan nito.

Mas pagtutuunan ng pansin ng 23-anyos na guard ang kanyang pagsasanay at mag-aaral pa ng mabuti para patunayan sa kanyang kritiko na may ibubuga siya sa paglalaro.

“I’m still going to work hard in practice and work hard on my own to be the best basketball player that I can be. That’s all I can control,” dagdag nito.

Unang makakaharap ng Pasig Chooks ang home team na Katara ngayong Huwebes 10:50 PM (oras sa Maynila) at tropa ng Liman, Biyernes ng madaling araw, 12:25 AM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?