38

Oct 16, 2019 @ 15:50
By

Fil-Am research center pinondohan nang $1M ng California gov’t

Nailaban ng tanging Filipino-American sa California Assembly ang paglalaan nang $1 milyon para sa pananaliksik sa buhay at kalagayan ng mga Pilipino at Fil-Am sa California.

Inanunsiyo ito ni California Assembly Member Rob Bonta ngayong Oktubre na binansagang Fil-Am History Month ng Amerika.

Dahil dito, madaragdagan ng tauhan, masusuportahan ang mga graduate student, makakapaglunsad ng pambansang sarbey sa kalusugan at wellbeing ng mga Fil-Am, maging pambansang pagpupulong para sa Filipino studies ang Bulosan Center for Filipino Studies ng University of California (UC) – Davis.

Pinangalan ang center sa manunulat-unyonistang Fil-Am na si Carlos Bulosan na awtor ng 1946 na akdang “America Is in the Heart.”

Sinimulan itong iplano noong 2011 at binuksan nito lamang 2018.

Sa ngayon, ayon sa isang ulat, may 1,800 Fil-Am na nag-aaral sa UC Davis, samantalang 1.5 milyon ang naninirahang Fil-Am sa California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?