22

Sep 15, 2021 @ 16:35
By

Fil-Am rapper Saweetie nirampa PH flag sa Met Gala

Kahit isa nang sikat na artist ay hindi pa rin nakalimutan ni Filipino-American rapper Saweetie na kilalanin ang kanyang pinanggalingan.

Sa kanya kasing outfit sa katatapos lang na Met Gala, inirampa ng 28 anyos ang gown na may elemento ng Philippine flag.

“This gown was inspired by Saweetie’s heritage, one train shows the Filipino flag, the other the Black American heritage flag,” saad ni Christian Cowan na siyang designer ng gown ni Sawetie.

“The gown features 10 million hand-placed crystals which are draped to adorn her body with diamond chain and Cowan emblem embellishments,” dagdag pa niya.

Nakilala si Saweetie matapos niyang ilabas ang kanyang debut single na “Icy Girl.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?