51
mark-anthony

Fil-Am producer, pinataob si Ellen DeGeneres

Sharing is caring!

Nakasungkit ng ikalawa niyang Emmy Award ngayong taon ang Filipino-American producer ng “The Talk” sa CBS na si Marc Anthony Nicolas.

Tinalo ng “The Talk” bilang “Outstanding Talk Show” ang sikat na mga “The Ellen DeGeneres Show”, “Kelly and Ryan”, “The Real”, at “The View”.

Si Marc lang ang nag-iisang Pinoy sa mga producer ng “The Talk”.

Ipinanganak sa Maynila si Marc at ang mga magulang niya ay mula sa Pasig at Sampaloc.

Kasama niya ang kanyang pamilya nang magtungo siya sa Amerika kung saan naging waiter siya sa Olive Garden sa California.

Aniya, mahirap umano ang pagiging waiter dahil kinailangan niyang magtrabaho ng dalawang shifts para suportahan ang sarili sa kolehiyo.

Sa puso niya, gusto niyang maging TV producer. Nagsimula siya bilang production assistant hanggang sa naging casting producer na siya at nagtuluy-tuloy na ang kanyang pag-angat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?