38

By

Fil-Am Nico Santos at transgender Zeke inilantad ang relasyon

Sharing is caring!

Proud sa kanilang relasyon ang Survivor star na si Zeke Smith at ang Fil-American actor na si Nico Santos. Sa Instagram account ni Nico, pinost niya ang very sweet photo nila ng reality star boyfriend niya.

“We’re here! We’re queer! We’re brunching! Getting some after parade nomnoms with my love. Happy Pride Los Angeles!!! ️ ️ ️ #Pride,” caption pa ni Nico.

Nagsimula raw ang love affair ng dalawa noong nakaraang May and since then ay nakikita na silang magkasama parati. Isa sa dinaluhan nilang event ay ang GLAAD Media Awards sa Los Angeles.

Naging contestant sa dalawang Survivor seasons si Zeke Smith. Una sa Survivor: Millennials vs. Gen X at pangalawa sa Survivor: Game Changers.

Si Zeke ang kauna-unahang transgender contestant ng reality competition show na Survivor. Dating babae si Zeke na ngayon ay naging lalake na.

Si Nico naman ay isa sa may dugong Pinoy na namamayagpag sa Hollywood ngayon.

Pinanganak sa Manila at nag-migrate sa Oregon state ang buong pamilya niya noong 16 years old siya.

Isang openly gay stand-up comic si Nico sa L.A. at naging regular guest siya noon sa talk show ni Chelsea Handler na Chelsea Lately. Naging guest din siya sa mga shows na 2 Broke Girls, Go-Go Boy Interrupted at sa pelikulang Paul Blart: Mall Cop 2.

Big break ni Nico ang ma-cast siya bilang si Mateo Liwanag, ang undocumented Fil-American citizen sa hit comedy series na Superstore. Kasama rin si Nico sa cast ng pelikulang Crazy Rich Asians. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?