156

Dec 4, 2019 @ 15:17
By

Fil-Am, nagmamay-ari na ng ospital sa US

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang Filipino-American ang co-owner ng isang ospital sa Amerika.

Kamakailan ay nag-host ang Los Angeles Downtown Medical Center o LADMC ng libreng Community Health & Wellness Day kabilang na ang blood pressure at blood sugar screenings, eye exams at marami pang iba.

Pinangunahan ito ng chairman of the board at Fil-Am co-owner nitong si Vicki Rollins.

Ani Rollins sa Balitang America report, isang kapamilya ang tingin niya sa mga pasyente.

Importante rin aniya ang pagkakaroon ng tiyaga pagdating sa leadership lalo na sa healthcare.

Dagdag pa ni Rollins, long and strategic ang vision niya para sa ospital.

“We’re gonna do prevention. Were gonna do wellness programs before they get sick. I don’t want them coming to hospital already sick. Its a lot easier for me to take care of them when they are not actually sick,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?