28

Jan 26, 2021 @ 14:54
By

Fil-Am na si Jason Tengco, hinirang bilang liaison officer ng White House

Hinirang ni US President Joe Biden si Jason Tengco, isang Filipino-American, bilang bagong liaison officer ng US Office of Personnel Management ng White House.

Una nang nagsilbi bilang chief-off-staff sa coalitions department ng Biden-Harris campaign si Tengco.

Nagsilbi rin itong lider sa Asian American and Pacific Islander outreach ng Biden-Harris team.

Dagdag pa rito, tumayo ring bilang executive director at senior advisor si Tengco para sa National Federation of Filipino American Associations.

Nagtapos si Tengco sa kursong Political Science sa University of California (UC) Los Angeles at nakuha ang kanyang masterado sa UC Berkeley sa kursong Public Affairs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?