377

Jan 2, 2020 @ 15:01
By

Fil-Am Mikey Williams sasabak para sa Mighty Sports

Muling babalik si Fil-American guard Mikey Williams para irepresenta ang Mighty Sports sa parating na 2020 Dubai International Basketball Tournament.

Ang 6-foot-2 guard ay dati nang sumalang para sa parehong koponan sa 2019 Jones Cup kung saan nag-average siya ng 8.9 points, 3.5 assists at 2.8 rebounds.

“Mikey is great. Bias aside, I’d say he and Jason Brickman are two of the best point guards we have from the Philippines not in the PBA yet,” ayon kay Mighty Sports coach Charles Tiu.

Makakasama ng 28-year old baller ang ilang prospect na sina Juan Gomez de Liano, Dave Ildefonso at Kai Sotto, sahog din ang Gilas naturalized player na si Andray Blatche.

“He’s in an international level, for sure. I trust him a lot,” papuri din ni Tiu.

Sumalang din si Williams para sa GenSan Warriors sa MPBL kung saan kumamada ito ng 16.3 points, 6.3 assists at 5.2 rebounds averages.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?