90

Fil-Am kulong sa pag-ala ‘King Kong’ sa gusali

Sharing is caring!

Nakulong muli ang Filipino-American na si Justin Casquejo, free solo climber at stunt performer na umakyat sa ilang gusali sa Manhattan, New York City.

Naaresto na noong 2014 si Casquejo matapos akyatin ang noon ay hindi pa tapos na One World Trade Center.

Ayon sa pulisya, naaresto ang 20 years old na Fil-Am sa pag-akyat sa crane ng isang construction site sa Upper West Side noong Marso.

Nakuhang ebidensiya ang mga larawan at video na kuha ng Fil-Am at dalawa pa nitong kasama na hinain ng kompanya na namamahala sa building na iligal na inakyat ni Casquejo.

Nagpiyansa na si Casquejo na nagkakahalaga ng $5,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?