46
kelsey-merrit
By

Fil-Am Kelsey Merritt unang Pinay na rarampa sa Victoria’s Secret Fashion Show

Sharing is caring!

Sobrang tuwa ang naramdaman ng Fil-Am model na si Kelsey Merritt dahil na-invade niya ang glamorosong fashion show sa Amerika, ang Victoria’s Secret Fashion Show.

Sa kanyang Facebook, masayang ibinahagi ni Kelsey ang kasiyahan: “We did it, Philippines!” she said. “I’m walking in the Victoria’s Secret Fashion Show 2018! It’s my dream come true. I can’t believe this!”

Natanggap ng Fil-Am model ang confirmation last Friday mula sa Victoria management.

Dumaan sa audition si Kelsey at hindi niya akalain na mapapabilang siya sa 2018 Victoria’s Secret Fashion Show.

Makakasama niya ang mga hinahangaang modelo na sina Tyra Banks, Gisele Bündchen, Rosie Huntington-Whiteley, Miranda Kerr, Heidi Klum, at Adriana Lima.

Si Kelsey ay nag-graduate ng AB Communications sa Ateneo de Manila University last year. After her graduation, pumunta na siya sa Amerika para i-pursue ang modeling career.

Last May noong nag-shoot siya para sa Victoria’s Secret. Nagsunud-sunod ang kanyang photo shoot para sa active-wear line hanggang ang mismong main photographer ng famous lingerie brand na si Russell James ang nag-pictorial na sa kanya.

Ang pinaka-highlight ng event ay ang pamamahagi ng libro ni Russell, ang Backstage Secrets kung saan kasama ang pangalan ni Kelsey.

Para sa kaalaman ng lahat, bago si Kelsey, ang former beauty queen na si Janine Tugonon ang unang Pinay na na-feature sa Victoria’s Secret.

Nag-audition din siya para sa 2016 fashion show, kaya lang hindi siya naging mapalad na masama, kaya si Kelsey ang kauna-unahang Pinay na makakasama sa catwalk kasama ang mga international supermodels.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?