28

Oct 28, 2019 @ 15:10

Fil-Am History Month pinagdiwang sa Washington DC

Pinagpugayan ng Filipino American (Fil-Am) community sa Washington D.C. ang higit 430 taon ng kasaysayan ng mga Pinoy sa Amerika.

Ito ang paksa sa pagtitipon kamakailan na hinost ng U.S. Department of Commerce Library.

Puno ng mga pakulo at pagtitipon ang mga Fil-Am ngayong Oktubre, kung kailan pinagdiriwang ang Fil-Am History Month sa Amerika.

Ilan sa mga dumalo sa event sina Cristeta Comerford, unang babae at unang Asian-American executive chef sa White House, at National Federation of Filipino-American Associations Chairperson Brendan Flores.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?