8

By

Fil-Am Hannahlei, umindak para sa ‘So You Think You Can Dance 15’ title

Sharing is caring!

Ibinulsa ng contemporary dancer na si Hannahlei Cabanilla ang titulo bilang pinakamagaling na manananayaw sa So You Think You Can Dance season 15 nitong Martes sa Pilipinas, Setyembre 11.

Inungusan nito ang 10 katunggali, apat sa grand finale upang magwagi sa nasabing dance competition sa Amerika.

Bilib na bilib ang mga hurado sa naging performance ni Hannahlei lalo na ang may lahing Pinoy na si Vanessa Hudgens na proud sa kababayan.

Halos lahat naman sa Twitterverse ay aprub sa pagkakahirang sa 18-year-old dancer bilang grand winner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?