62

May 14, 2020 @ 15:37
By

Fil-Am Green ni-request maging kampi si Sotto

Kung dati ay hikahos ang Pilipinas na makahanap ng susunod na Pinoy na makakasalang sa NBA.

Ngayon ay dalawang top prospect ang may malaking tsansa na makatungtong sa international league.

Si Fil-Am Jalen Green ang kauna-unahang recruit na sumali sa NBA G League select team, ilang buwan ang nakalipas ay si homegrown talent Kai Sotto naman ang kinumpirmang salang din siya sa developmental league.

Sa report sa Kentucky Sports Radio, isa umano sa naging dahilan sa pagsali ni Kai ay ang rekumendasyon ni Green na maging kakampo si Sotto sa nasabing programa.

“Jalen Green – a consensus top-three prospect in the senior class, who signed with the G League’s new NBA pathway program back in April – hand-picked Sotto to join him on the roster,” ayon sa report.

Dati nang nagkaharap ang dalawang binata sa 2018 National Basketball Training Center Finals sa Maynila, kung saan naglaro si Green para sa FilAm Sports USA, habang si Kai naman noon ay nasa Ateneo pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?