88

By ,

Fil-Am Green, Artest pasabog sa 2019 NBTC All Stars

Mas lalo pang magiging kapana-panabik ang 2019 Chooks-to-Go SM NBTC All-Star Game ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena sa pagdagdag nina Jalen Green at Jeron Artest.

Kabilang sa anim na manlalaro, kasama ang kakampi nito sa Fil-Am Sports USA na si Kai Ballungay, sina Green at Artest na isasama sa ilang top local high school players sa Team Heart.

Makakasama nila sa tropa ang kapitan nito na si Joel Cagalungan, si Carl Tamayo ng National U, Inand Fornilos at Joshua David ng LSGH, Harvey Pagsanjan ng Hope Christian, Aaron Fermin ng Arellano, Paolo Hernandez at Dan Arches ng Mapua, Joshua Yerro ng University of Visayas, Mac Guadana ng Lyceum, Rafael Go Chiang Kai Shek, at Joem Sabandal at Adam Doria ng Adamson at si Charles Tiu ang magsisilbing mentor ng tropa.

Si Brandon Wilson naman ng FilAm Sports ay makakasama si Tyler Garcia ng Durham Crossover Toronto at Jasper Rentoy ng AusPinoy sa Team Hustle ni Kai Sotto.

Sasabak sa bakbakan ang tropa na kinabibilangan nina Mark Nonoy ng Bismarck Lina mula UST; ang trio ng NU na sina Gerry Abadiano, Terrence Fortea, at Kevin Quiambao; sina Geo Chiu and Forthsky Padrigao ng Ateneo; RJ Abarrientos ng FEU; John Amores ng JRU; Jonnel Policarpio Mapua; Tony Ynot ng San Beda; at ang injured na si Clint Escamis ng Mapua at si Chris Gavina naman ang magsisilbing coach ng tropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?