7

Sep 20, 2020 @ 19:05
By

Fil-Am fighter pinakawalan ng UFC

Hindi na matutungyahan sa UFC ang Fil-American MMA fighter na si John Dodson.

Ito’y matapos na ianunsyo ng manager niyang si Ricky Kottenstette ang pagbitaw ng mixed martial arts organization sa kanyang alaga.

Si Dodson ay isa sa mga naging matinik na contender sa flyweight at bantamweight category, kung saan bumuo ito ng rivalry sa dating UFC champion na si Demetrious ‘Mighty Mouse’ Johnson.

Huling sumalang si Dodson sa UFC ay noon pang Agosto kung saan natalo siya kay Merab Dvalishvili.

“John has fought the absolute best in the world in two weight classes and he’s still more than ready to face elite competition,” ayon kay Kottenstette.

“We look forward to talking to any and all promotions to find John the best home for his future.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?