33

Sep 21, 2019 @ 16:35
By

Fil-Am binida ang ‘Pinas sa exhibit sa Washington

Matutunghayan hanggang Setyembre 27 ang “In Due Time,” isang solo exhibit ng Filipino-American artist na si Elmer Calata sa Philippine Chancery Annex Building sa Washington D.C.

Tungkol ito sa mga alaala at simbolismo ng Pilipinas, maging ang karanasan ni Calata bilang imigrante at byahero sa iba’t ibang bansa.

“It is such an honor to share my work at the Philippine Embassy. I feel like I’ve gone 360 degrees on my life. I’ve been everywhere, I’ve lived everywhere in terms of my own experience as somebody who grew up in the Philippines and came to America,” saad ng artisita sa ulat ng Balikbayan.

Binuksan ang In Due Time noong Setyembre 5 na kakikitaan ng mga likhang gawa sa tinta, clay o pintura.

“The hosting of ‘In Due Time’ fulfills Sentro Rizal’s mission to give Filipino artists the platform on which they can elevate their creations into the consciousness of the DC community,” ayon naman kay hilippine Ambassador to the United States Jose Manuel G. Romualdez sa isang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?