39

Aug 21, 2019 @ 17:23
By

Fil-Am ballerina magtatanghal sa 2 benefit gig

Unang beses na magtatanghal sa bansa si prima ballerina Stella Abrera para sa dalawang fundraiser performance sa Nobyembre 7 at 8 na nakalaan para sa 12 dance scholars ng American Ballet Theatre (ABT) Studio Company.

Pinamagatang “Stella Abrera & Rising Stars of American Ballet Theatre Featuring James Whiteside, Principal Dancer, American Ballet Theatre” ang show kung saan makakasama ni Abrera ang mga batang mananayaw.

“These are extremely gifted dancers. They’re young and breathtaking when they move,” saad ni Sofia Zobel Elizalde, committee chair ng benefit show sa Inquirer Lifestyle.

Si Sascha Radetsky, na asawa ni Abrera at artistic director ng ABT Studio Company, ang magiging direktor ng nasabing pagtatanghal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?