278
Babaeng escort timbog sa panghuhuthot sa banyaga
By

Fil-Am arestado sa pananampal at pagmumura sa parak

Dinakip ang isang ginang nang murahin at sampalin ang isang pulis sa Las Piñas City, Lunes ng hapon.

Nakakulong sa detention cell ng Las Piñas City Police ang Fil-Am suspect na si Cheryl Hawkins Bautista, nakatira sa Barangay 1 Tunasan, Muntinlupa City.

Ayon kay Police Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas City, nakatanggap sila ng tawag noong Lunes ng alas-5:30 ng hapon (Agosto 12) tungkol sa isang customer na nagwawala umano sa TGIF restaurant na matatagpuan sa Daang Hari Road.

Sinabi ni Gran na hindi raw umano tinanggap ang credit card ng ginang na pambayad sana niya sa bill ng kanilang kinain.

Nang dumating sina Pat. Rudolf Dapon at Police Cpl. Wency Gascon at tatanungin ang ginang ukol sa insidente, nagwala umano si Bautista at pinagmumura ang dalawang pulis at diumano’y sinampal pa si Dapon sa pag-aakalang aarestuhin siya.

Sa kuha ng video, pinakakalma ng pulis ang ginang pero tuloy pa rin ito sa pagsisigaw at nakiusap din ang kasama ni Bautista na si Mark Edina Bartender na huwag itong magwala at mag-ingay.

Nang muling murahin at dinuro-duro si Dapon ay aarestuhin na sana niya ang ginang subalit sinampal siya nito.

Dito na pinosasan ang ginang ngunit kahit pinosasan na ito at pinagtatawanan pa rin sila ni Bautista.

Sinabi pa ni Gran, nakainom umano ang ginang nang mangyari ang insidente.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek.

Mahaharap si Bautista sa patong-patong na kasong direct assault, disobedience to a person in authority, oral defamation at alarm and scandal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?