107

Oct 11, 2020 @ 21:31
By

Fil-Am actor sa ‘Spider-Man’ grabe ang pinayat

Ginulat ni Jacob Batalon ang social media matapos nitong i-post ang kanyang new look sa kanyang 24th birthday.

Sa post ng Fil-Am Hollywood actor, kaagad na mapapansin ang pagbawas ng timbang nito buhat noong lumabas sa ‘Spider-Man’ movies.

“While I appreciate the concern, people can stop telling me to lose weight now,” ayon kay Jacob.

Nakilala si Jacob bilang si Ned Leeds, ang matalik na kaibigan ni Peter Parker/Tom Holland sa nagdaang mga ‘Spider-Man’ film.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?