321

Aug 22, 2018 @ 13:59
By

Fighter jet, panakot ng Iran sa Amerika

Ipinakita ng Iran ang bago nilang fighter jet nitong Martes.

Mayroon umano itong advanced avionics, fire control systems at kayang makalipad sa altitude na 45,000 talampakan, sa bilis na Mach 1.2.

Tinawag na “Kowsar” ang fighter jet, na ang kahulugan sa Islam ay isang ilog sa paraiso. Titulo rin ito ng isang chapter sa banal na aklat ng mga Muslim na Koran.

Isa umano itong fourth-generation fighter at napaulat na “100 porsiyentong indigenously made”.

Sa ginawang seremonya, sinabi ni President Hassan Rouhani, na ang defense program ng Iran ay layon para mapalakas ang kanilang kapabilidad para magdalawang-isip ang Amerika na giyerahin sila.

“The enemy should see how expensive an invasion of Iran would be,” aniya. “Why does not the U.S wage a military attack on us? Because of our power.”

Matatandaang ni-renew ng US ang sanctions nito sa Iran matapos alisin ni President Donald Trump ang Amerika sa nuclear deal sa pagitan ng Iran at iba pang makapangyarihang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?