22

By

FIFA prexy Infantino bumisita sa Pilipinas

Nagtungong Pilipinas sa unang pagkakataon si Fédération Internationale de Football Association (FIFA) President Gianni Infantino upang palawakin pa ang kahalagahan ng sports sa bansa.

Ang 49-anyos na Swiss-Italian lawyer ay naka-iskedyul sa pakikipagkita sa mga top government official kasama si Philippine Football Federation President Mariano ‘Nonong’ Araneta, PFF general secretary Edwin Gastanes at PFF board of governors.

Tatalakayin ng PFF ang pagpapalawak ng suporta para sa mga proyektong pinundasyon ng football agency gaya ng National Training Centre sa Carmona, Cavite, Philippine Football League, Women’s League at Under-15 National Championship.

Sinabi rin ni Gastanes na ang pakikipagkita kay Infantino ay isang karangalan at isang paraan upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga Pinoy sa larangan ng football mula sa suporta ng FIFA.

“We welcome Fifa president Gianni Infantino in his official visit to the Philippines,” ani Araneta na isa ring member ng FIFA executive council.

“He is developing football countries’ greatest friend. We look forward to meeting him and showing him how far Philippine football has improved in recent years. May his visit here serve as an inspiring moment to all football stakeholders in the country, especially the youth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?