143

By

Fields ibibida ng Magnolia

Tinapik ng Magnolia Hotshots ang dating import ng Columbian Dyip na si John Fields para sa susunod na conference sa Commissioner’s Cup.

Noong nakaraang conference para sa Columbian, naglista ang 6-foot-9 center ng solidong 29.1 points at 19.1 rebounds average, ngunit hindi pa rin naging sapat para sa playoffs stint matapos ang 4-7 record.

Huling naglaro si Fields para sa Singapore Slingers sa Asean Basketball League noong nakaraang season, nag-average naman siya dito ng impresibong 22.2 points, 12.5 rebounds at 1.7 blocks at pinaabot ang koponan sa semis bago nilaglag ng CLS Knights.

Sa pagkadagdag ni Fields sa koponan, kanyang sasamahan ang dalawang pambala ng Magnolia sa shaded lane na sina Ian Sangalang at Rafi Reavis.

Target ng Magnolia na makaahon sa 6-5 record noong nakaraang taon, na pinatumba ng Alaska Aces sa quarterfinals.

Sa ngayon, kumpleto na ang mga import para sa midseason conference na lalarga sa Mayo 19.

Ilan sa mga aabangan ay si ex-Houston forward Terrence Jones na sasalang sa TNT KaTropa, balik-import na naging Best Import awardee na sina Denzel Bowles para sa Rain or Shine, Charles Rhodes ng San Miguel, Rob Dozier para sa Phoenix, at Ginebra resident import na si Justin Brownlee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?