150

Jun 5, 2019 @ 11:05
By

Fiba U-19 paghahandaan: Ka-tandem ni Kai, balik-Pinas na

Nasa bansa na ang fellow big man ni Kai Sotto na si AJ Edu para maghanda sa parating na Fiba U-19 World Cup ngayong Hunyo.

Nitong Martes ay lumapag sa bansa si Edu, na nakatira sa United Kingdon at nag-aaral sa isang NCAA Division 1 school.

Samantala, darating naman si Sotto sa Sabado para makapag-ensayo kasama ang koponan mula sa kanyang training sa US.

Sa Fiba U18 Asian Championship noong nakaraang taon, nag-average ang 6-foot-10 na si Edu ng 14.2 points at 11.5 rebounds, habang nanalasa naman si Sotto na sumungkit ng 12.7 points, 8.7 rebounds average.

Lilipad pa-Doha, Qatar ang koponan sa Hunyo 21 matapos ang dalawang linggong training sa bansa bago magtungo sa Greece kung saan lalabanan ang bigating koponan ng host Greece, Argentina at Russia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,