10

Sep 29, 2020 @ 20:27
By

Fiba nakamasid sa PBA bubble

Hindi lang PBA ang makikinabang sa oras na magtagumpay ang kanilang bubble sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ayon kay league commissioner Willie Marcial, nakabantay sa kanilang pagbabalik ang Fiba, na magasagawa din ng bubble para sa mga susunod na window ng 2021 Asia Cup qualifiers.

“Alam ko ‘yung mga 3×3 at ‘yung ibang Fiba (competitions), kapag naging successful tayo, baka gamitin din po ang Clark. ‘Yun ang balita ko,” saad ni Marcial.

Hindi pa inaanunsyo ng Fiba kung saan gaganapin ang kanilang bubble na mangyayari sa November 2020 at February 2021.

Sasalang ang Pilipinas sa parehong window, haharapin ang Korea at Thailand sa Nobyembre, at Indonesia at rematch sa Korea sa Pebrero ng susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?