48

Jun 21, 2020 @ 21:40
By

Fiba Esports: ‘Pinas giniba Indonesia, 5-0

Hindi nakapalag ang Indonesia sa bangis ng E-Gilas Pilipinas matapos talunin ng limang sunod sa 2020 Fiba Esports Open,.

Sa huling laban ng dalawang bansa, tinambakan ng 71-35 ng Pilipinas ang Indonesia para kunin ang slot sa Southeast Asia conference.

Bumuhos ng 25 points si Rial Polog Jr. para maging top scorer ng E-Gilas sa paggapi nito sa Indons.

Siyam sa puntos ni Rial ay kanyang kinuha sa third quarter para tuluyang lumayo ang ‘Pinas, 46-23.

Samantala, bumuhos naman si Custer ‘Aguila’ Galas ng 17 markers sa limang tres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?