10

May 7, 2021 @ 20:45
By

FIBA Asia Cup qualifiers iho-host ng ‘Pinas

Inaprubahan ng IATF ang hiling ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mag-host ng International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers sa Hunyo 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gagawin ito sa ilalim ng bubble-type setting sa Clark, Pampanga, at kailangang sumunod sa mga health at safety protocol.

Ayon sa kalihim, pinayagan din ng IATF ang pagpa-practice ng Philippine Basketball Association (PBA) sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ subalit kailangan pa ring sumunod sa mga health at safety protocol.

“Also allowed is the conduct of scrimmages and practice of the Philippine Basketball Association in areas under General Community Quarantine (GCQ) and MGCQ, subject to proper health and safety protocols,” ani Roque.

Samantala, pinayagan din ng IATF ang pagsasagawa ng horse-racing activities sa MECQ areas, ngunit dapat ay no-audience set-up kapag ipinatupad ito.

Ibig sabihin, online o TeleBet activities lamang sa NCR+ ang dapat na mag-operate.

“The IATF likewise approved the conduct of horse-racing activities in areas under MECQ under a no-audience set up. In addition, only online and TeleBet activities in NCR Plus may operate,” dagdag ni Roque.

Ang off-tracking betting stations naman sa mga GCQ o MGCQ areas ay papayagan nang magbalik-operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?