71

FIBA 3×3: PH yumuko sa Netherlands

Sharing is caring!

Nasilat agad ang Philippine women’s 3×3 team laban sa Netherlands sa una nilang laban sa pagsisimula ng 2018 FIBA 3×3 Basketball World Cup nitong Biyernes sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Yumuko ang Pinays sa fourth-seeded na Dutch, 21-11.

Nakalamang pa sa kaagahan ang koponan, 3-2, pero binura ito ng lay-up ni Loyce Bettonvil at jumper ni Kujit Karin, na nagpaabante sa Netherlands ng 7-3.

Lumobo pa sa 12-4 ang lamang ng mga banyaga dahil sa basket ni Jacobine Klerx.

Nailapit ni Jack Animam ang iskor sa pamamagitan ng kanyang lay-up, 13-10, may 3:47 pa sa orasan.

Pero naibalik ni Karin ang kontrol ng Netherlands sa pagpapakawala ng dalawang malayong jumper kaya’t umangat uli ng pito ang Dutch, 17-10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?