fiba-3x3
By

FIBA 3×3: Perlas Pilipinas sadlak sa ‘Group of Death’

Sharing is caring!

Haharap sa matinding kompetisyon ang women’s 3×3 team na Perlas Pilipinas nang mapabilang sa “Group of Death” ng FIBA 3×3 women’s preliminary round na gaganapin sa Philippine Arena sa Hunyo 8-12.

Babangain nina NU stalwarts Jack Animam, Gemma Miranda, Afril Bernardino at Janine Pontejos ng CEU ang mga bigating koponan mula sa Europa na Hungary, Spain, Netherlands at Germany.

Isang buwan nang nagsasanay ang koponan ni coach Pat Aquino upang hindi mapahiya sa harap ng mga kababayan at makapagbigay ng magandang laban.

“I think we’ve got the best players on our team in this era and I know we’re not far from other countries but playing for the first time against European teams makes it a lot tougher. We have to rely on our talent going into this tournament,” saad ni Perlas coach Aquino.

Ito ang unang pagsalang ng Perlas Pilipinas sa 3×3 event sa nakaraang apat na edisyon ng torneo at susubukang iangat ang 3×3 women’s world ranking ng ‘Pinas na kasalukuyang nasa pinakailalim na puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?