506
simon
Mar 19, 2018 @ 17:08

Fiancee ni PJ Simon, kinoronahang Bb. Pilipinas Supranational

Doble ang kasiyahan ngayon ni PJ Simon dahil matapos umabante ang Magnolia kontra NLEX, 87-78, kagabi sa PBA Philippine Cup semifinals series, nasaksihan naman nito ang pagkapanalo ng kanyang fiancee na si Jehza Huelar bilang Bb. Pilipinas Supranational sa ginanap na 2018 Binibining Pilipinas pageant.

Nagtungo agad si Simon mula sa Ynares Center sa Antipolo tungo sa Araneta Coliseum para suportahan ang fiancee niya.

Si Huelar ang napiling maging kinatawan ng bansa para sa 2018 Miss Supranational, kung saan nakapasok ang sinundan niyang si Chanel Thomas sa Top 10 noong nakaraang taon.

Dahil sa katuwaan sa kambal na tagumpay, agad nagposte ang veteran guard ng mensahe ng pagiging proud niya sa soon-to-be-wife.

“So happy to have a front-row seat to see your dreams come true,” ani Simon, na nilagyan pa niya ng hashtags #MyQueen #AllGloryToYouLord #MsSupranational2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?