2,534
ABANTE scottie thompson rebounder pba
Jun 21, 2021 @ 21:34
By

Fiance’ pinalitan, Scottie Thompson kinasal sa iba!

Ikinasal na si Ginebra superstar Scottie Thompson sa isang pribadong seremonya sa Las Piñas, ayon sa ilang report.

Ayon sa report, ang stewardess mula sa Pampanga na si Jinky Serrano ang napangasawa ni Thompson,at ang kasalan ay naganap noong unang linggo ng Hunyo.

Nabalot din ng ilang tsismis sa social media ang balita sapagkat matatandaang noong Enero – sa mismong bagong taon – ay nagpropose si Thompson sa kanyang long-time girlfriend na si Pauline Fajardo.

May mga ulat na nagsabing noong Abril pa nag-break sina Thompson at Fajardo. Burado na rin ang mga litrato nilang dawala sa Instagram account ng basketbolista.

Samantala, si Serrano naman na nakatuluyan ni Thompson ay nagmamayari ng ilang beauty clinic sa Pampanga at iniwan na rin ang trabaho bilang flight attendant dahil na rin sa hiling ng 27-anyos na Ginebra player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?