196

By

Fiancé ni Makisig Morales na si Nicole Joson mas sweet kesa sa kanya

Sharing is caring!

Manila – Nagpayanig nga si Makisig Morales sa pag-announce ng engagement nila ng Fil-Australian girlfriend na si Nicole Joson.

Pero mukhang hindi mahilig si Makisig Morales sa mga LSM o Long Sweet Message. Simpleng “My Fiancé” kasi ang caption ng dating child actor na nakilala natin bilang si Super Inggo, sa photo na pinost niya sa kanyang IG kasama ang girlfriend na si Nicole Joson.

View this post on Instagram

My Fiancée. 😍😇 @_nicolejoson_

A post shared by Makisig Morales (@makisig228) on

Habang sa caption naman ng photo na pinost ni Nicole, napakatamis niyang sinabi, “He stole my heart, so I’m stealing his last name.”

Mukhang swerte talaga si Makisig sa future wife niya na ‘di lang basta-basta ang beauty dahil sumali ito sa Miss Earth Australia 2017.

Maiinggit nga ang iba at siguradong magtataray ang kilay dahil hindi lang bongga sa career si Makisig, bongga din ang lovelife.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?