27

By

FEU Tams sinuwag ang Ateneo Blue Eagles: Cani, Escoto nagpanalo

Sharing is caring!

Ginulat ng FEU Tamaraws ang koponan ng Ateneo Blue Eagles, 63-60, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena nitong Miyerkoles, Oktubre 10.

Nakahabol ang FEU mula sa 22-32 na pagkalubog noong first half, at nagawa nilang maitabla ang laban sa pagtatapos ng third quarter, 39-all.

Parehong teams ang nakipagbakbakan noong deciding period, ngunit nangibabaw sina Hubert Cani at Richard Escoto nang nakapuntos sila ng pinagsamang five points para sa FEU, 63-58.

Sinubukan ni Angelo Kouame na maibaba sa tatlo ang lamang ng FEU, ngunit nag-mintis mula sa tres si Adrian Wong sa huling sandali.

Tatlong sunod na panalo ang naitala ng FEU, kasama na rito ang malaki nilang panalo laban sa liyamadong Adamson at Ateneo.

“We had a bad start. Against Ateneo hindi puwede yun kaya hindi namin alam kung paano namin nagawa yun,” sabi ni FEU head coach Olsen Racela.

Nanguna si Cani sa kanyang 12 points, six rebounds and five assists, habang rumesbak naman sina Jasper Parker at Axel Iñigo sa kanilang nine points para sa FEU

Nagawa rin manalo ang FEU kahit wala ang kanilang top-scorer na si Arvin Tolentino dahil sa one-game suspension.

Sa panig naman ng Ateneo, nag-rehistro ng 16 points at 12 rebounds si Kouame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?