21

Oct 15, 2017 @ 15:28

FEU sinuwag ang UST, 96-70

Kasunod nang masakalit pagkatalo laban sa defending champion De La Salle University sa huling laban nito, ibinunton Far Eastern University Tamaraws ang kanilang galit sa University of Santo Tomas matapos talunin, 96-70 kanina sa FilOil Flying V Centre.

Sa kanilang panalo, naingat ng Tamaraws ang kanilang record sa 5-4 panalo-talo sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament.

Lumamang pa ang FEU ng 36 puntos kontra Growling Tigers na wala ang kanilang key  players na sina Steve Akomo (illness) at guard Jordan Sta. Ana (shoulder injury).

Dahil sa pagkatalo, dumausdos sa 0-9 ang record ng UST sa torneyo at nanganganib na ma-eleminate sa Final 4. Iyon din ang pang-13  sunod na talo ng Growling Tigers sapul noong Season 79.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?