Wednesday 18th September 2019
28

By

FEU ni Racela, lulubog-lilitaw

Maagang nag-init. Maaga ring lumamig.

Martsa sa 5-2 baraha ang FEU Tamaraws sa unang round ng eliminations ng 81st UAAP men’s basketball tournament.

Pero pagpasok ng second round, bumulusok naman pababa ang Tamaraws na nalasap ang tatlong-dikit na talo para sa 5-5 marka.

 

Pinakahuli ang 82-95 pagluhod nila sa UP nitong Miyerkoles.

 

“Ten (10) days ago, 5-2 kami. But you know a lot of things happenned, it’s just unfortunate that nagsabay-sabay sila. Prince Orizu’s injury and Arvin Tolentino’s two-game suspension,” paliwanag ni head coach Olsen Racela.

 

Ngunit sa kabila ng kamalasan, pinuri pa rin ni Olsen ang kanyang mga alagad.

 

“I just commended their effort today. Alam nilang we’re two players down and mahirap maglaro ng ganun, but they still followed the game plan and they also gave their best,” sabi ni Racela.

 

Sunod na haharapin ng FEU ang La Salle ngayong darating na Sabado.

 

“Talagang lumaban sila, pero susubukan ulit sa Sabado kasi it’s a very crucial game,” giit ni Racela.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?