375

Jul 19, 2021 @ 16:14

FEU law dean sinupalpal si Duterte

Maging si Atty. Mel Sta. Maria, dean ng Far Eastern University (FEU) law school, ay nag-komento na rin sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ito sa pagkabise-presidente upang makaiwas sa kaso.

Sa isang Facebook post noong Linggo, mariing itinama ni Sta. Maria ang pahayag ng pangulo.

“Wala sa konstitusyon at sa ating jurisprudence na may immunity ang bise-president. Palpak kayo dyan sir. Basic to the point of being elementary sa mga law students ang puntong iyan,” saad sa post ng abogado.

Ginamit ding halimbawa ni Sta. Maria si Bise Presidente Leni Robredo na hindi nakalusot sa ilang kaso noong 2019 kahit pa nasa pwesto pa ito.

“By the way sir, kung iyan ang punto ninyo, eh bakit si VP Leni kinasuhan ng sedition, inciting to sedition, cyber-libel, libel, estafa, harboring a criminal at obstruction of justice nung Hulyo 2019,” pahayag pa ni Sta. Maria.

“Si VP Leni hinarap ang mga kaso ng matapang at sabayan at nanalo kasi walang ng merit yung mga cases, Kayo sir kaya nyo ba mag ala-Leni? Di pa nangyayari, may excuse na, mali pa. Nagtatanong lang po,” dagdag pa nito.

Nitong weekend lamang inilahad ni Duterte ang pahayag na tatakbo itong muli sa 2022 para makaiwas sa kaso. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?