5,023
FEU kinondena ang fake scandal sa isang student-athlete
By

FEU kinondena ang fake scandal sa isang student-athlete

Nagsalita ang pamunuan ng Far Eastern University sa kumakalat na scandal kung saan nadamay ang pangalan ng isa sa kanilang volleyball player.

Sa inilabas na statement ng FEU, kanilang kinondena ang nangyayaring cyberbullying incident dahil sa pagdawit ng pangalan ni Carly Hernandez gayong napaulat na hindi umano ito ang babaeng nasa video.

“FEU condemns the wrongful tagging of an FEU student-athlete in a sexually explicit video circulating in social media,” ayon sa statement.

“This is clearly an act of cyberbullying that causes negative psychological effects and harm to any individual, private or public.”

Kanilang pinaalalahanan ang lahat na itigil ang harassment sa kahit sinong tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?