By

FEU cheerdancers nabungi, nasugatan

Sharing is caring!

Dalawang miyembro ng Far Eastern University Cheering Squad ang nagkaroon ng injuries matapos sumalto nang bahagya sa kanilang routine kahapon sa UAAP Season 80 Cheerdance Competition sa Mall of Asia ­Arena, Pasay City.

Nabungi si Marc Laurence Navarro habang si Vanessa Ulitin ay nasu­gatan sa kaliwang kamay habang ipinapakita ang kanilang tikas sa nasa­bing kompetisyon.

“Kasama sa cheerdance ang mga ganitong bagay kaya ok lang po,” ani Navarro.

Sumablay sina Navarro at Ulitin habang nagbubuo sila ng pyramid, pero nabuwal.

Si Ulitin ang umere at nabagsakan nito si ­Navarro sa bibig, duguan ang dalawa.

Nilapatan ng yelo ang bibig ni Navarro habang binalutan ang kamay ni Ulitin ng mga medical personnel.

Hilo rin ang dalawang kasama nina Navarro at Ulitin matapos ang kanilang performance. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?