40

By

FEU bumawi sa sunod-sunod na pagkatalo

Nakabawi ang Far Eastern University Tamaraws kontra UE Red Warriors, 80-61, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Ynares-Center Antipolo, Linggo, Nobyembre 4.

Tuluyang nakapaghiganti ang Tamaraws mula sa 65-90 na pagkatalo sa first round, sa pamamagitan ng kanilang magandang simula sa laro sa first half.

Lalo lang lumobo ang kalamangan ng FEU sa fourth period sa 25 mula sa tres ni Joseph Nunag para magkaroon ng 80-55 advantage sa huling minuto ng laro.

6-6 na baraha ang hawak ng FEU ngayon, at tuluyan na nilang winakasan ang kanilang four-game losing skid upang makuha ang unang panalo sa second round.

“It’s a new lease on life. It’s our first win sa second round, and we’re hoping to get the next games to keep our playoff hopes alive,” sabi ni FEU head coach Olsen Racela kung saan tabla sila sa UP para sa fourth spot.

Pumutok ng 18 puntos si Arvin Tolentino mula sa 4-of-7 sa three-point line, habang may 17 points naman si Kenneth Tuffin mula sa 5-of-8 na shooting sa tres din.

Samantala, pumuwersa ulit sa Alvin Pasaol sa kanyang 24 points at 10 rebounds.

Kulelat pa rin ang UE mula sa 1-11 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?