south-station

Fetus natagpuan sa terminal sa Muntinlupa

Sharing is caring!

Mangongolekta sana ng basura ang isang Noe Orale sa South Station terminal sa Barangay Alabang, Muntinlupa City, Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat, ipinagtaka ng kolektor ng basura ang mabigat na timbang ng isa sa mga hinakot niya dakong alas-12:50 ng hapon kaya’t siniyasat niya kung ano ang laman nito.

Nakita niya sa loob ng plastic ang patay nang fetus na babae na nasa lima hanggang pitong buwan umano, na may umbilical cord at placenta pa.

Bigo pang matunton ng mga pulis kung sino ang nag-iwan ng naturang fetus dahil walang closed-circuit television sa paligid ng South Station.

Itinurn-over ang fetus sa Barangay Alabang, na siyang nagdala sa San Roque Catholic Church para mabendisyunan bago ito ilibing sa Muntinlupa City Public Cemetery.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?